July 1st, 2005
akala ko nga totoo...
*1st day*
ang sabi mo sa 'kin, hindi ka pwede dahil mas mahalaga pa kaysa sa 'kin ang mga bagay na binabanggit mo noong mga oras na iyon na noo'y di mo magawang sabihin sa akin na 'mahalaga' pala iyon. "Mahalaga" pa yon, mas mahalaga pa ang "pride" mo kaysa sa "friendsship" natin.
*1st week*
nagpaalam ka sa 'kin, at tuluyan ka na ngang lumayo. Iniwan ako. Umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero nasaktan ako ng husto noong sinabi mo sa 'kin na isa akong walang kwentang tao. Oo, talagang malaki pagkakaiba ko sa kanila. Mas mahal kita kaysa ng mga taong nandyan na sa paligid mo ngayon.
*the reason*
ang araw na ito ang dahilan (April30), 'yon ang pagkakaalam ko. Alam kong isa kang napakalaking kawalan sa buhay ko. Pero 'yon ang hindi mo alam... o maaaring alam mo, at maaaring ganon ka rin sa 'kin, ngunit ayaw mo lang aminin dahil ganyan ka na. Noon pa! Tahimik akong umiyak.
*that night*
ilang gabi na silang patuloy na pumapatak mula sa aking mga mata, na tila wala ng katapusan. at lalo pang lumakas ang kanilang pagbagsak ng muli kang magsalita, ang sabi mo'y 'di mo na ako kailangan. kaya marapat lamang na ako'y lumayo na mula sa'yo. Pero mahal kita.
*i need help*
alak. Alak ang kasama ko noong gabing 'yon. Habang ang aking mga luha'y nararamdaman kong pumapatak mula sa mga mata kong pinipilit h'wag makita ang katotohanang lumisan ka na. Ang alak, ang natitirang kaibigan ko.
*the phone call*
sinabi mo sa 'kin, ayaw mo kong kausapin. Mula noon, pinangako ko sa aking sarili nakhit isang patak ng luha ko ay hindi ko na iialay pa sa iyo. Ngunit marupok akong tao. Umiyak ako. Binaba mo na ang telepono, habang sinasabi kong "Paalam,..." Paalam, kaibigan. Masakit. Pero di mo alam.
*the question*
tinanong kita kung ako'y ginamit mo lamang. Pinaikot. Pinaasa. Pinag-mukhang tanga. pero kung ano pa man ang iyong dahilan, hindi ako nagsisisi at nakilala kita. Minahal. Naging kaibigan. Iniyakan. At habang tumatagal, ay ayaw ko nang mawala ka pa. Makita ko, isang araw, ang aking sarili na nag-iisa.
*the answer*
sinagot mo ang aking tanong, at muli, ika'y nagpaalam. At ako'y tionaboy. Ngunit, sa mga paliwanag mo, wala akong naintindihan. Ang gusto ko lang ay bumalik ka. Pero wala kang pakialam sa aking nararamdaman.
*1st month*
isang buwan na akong umiiyak. Nagmamakaawa. Tinanong mo ako kung bakit kailangan ko pang gawin 'to sa 'yo? -ang magmakaawa- . Dahil mahal kita. Dahil kaibigan kita. Ngunit di ka nakinig. Dahil ayaw mong makinig.
*my questions*
hindi ko maintindihan. Bakit napakadali para sa 'yo ang kalimutan ako? Hindi mo 'ko naiinjtindihan! Sinabi kong mahal kita, at ginawa ko ang sinabi ko, ngunit 'di mo sinuklian. Alam mo ba kung gaano kasakit para sa 'kin na iqwanan mo ng walang sapat na dahilan? o kung may dahilan ka man, ngunit 'di ko man lang nalaman?Dahil ayaw mong ipaalam!
bakit hanggang ngayon, iniiyakan pa rin kita!? Bakit hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalik ka? Paano na 'ko?Paano naman ako?
hindi ko magawang magpaalam... Nahihirapan ako...Dahil madami na tayong masayang ala-alang nabuo, na inakala ko'y totoo..
ngayon, sabihin mo sa'kin, NILOKO MO LANG BA AKO???